Sugatan ang dalawang tao matapos magkasalpukan ang isang motorsiklo at isang tricycle sa Cauayan City, Isabela. Ang insidente, nahuli-cam.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon, sinabing nangyari ang insidente sa bahagi ng national highway sa Barangay Minante II dakong 11:00 am nitong Lunes
Sugatan ang rider ng motorsiklo na tumilapon dahil sa lakas ng banggaan. Nasugatan din ang sakay ng tricycle, kapuwa sila dinala sa ospital.
Biglaan umano ang ginawang pagliko ng rider kaya bumangga sa paparating na tricycle.
Wala pang pahayag ang rider at driver ng tricycle na mag-uusap umano sa himpilan ng pulisya.—FRJ GMA News