Jonas Reyes··1 MIN READ
Mga peke at hindi rehistradong pampaganda at produktong pangkalusugan ang kinumpiska ng mga pulis pagkatapos magsagawa ng raid sa isang warehouse sa Grandmax Industry Park A37, Barangay Daungan sa bayan ng Guiguinto, Bulacan nitong 19 Oktubre 2026.
Ayon sa pulis, mga tauhan ng Anti-Organized Crime Unit ng Criminal Investigation and Detection Group (AOCU-CIDG) ang nagsagawa ng naturang operasyon na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 5,000 piraso ng pekeng produkto.
Naaresto naman ang isang 22-anyos na Chinese na nakatira sa Guiguinto, Bulacan, at isang Filipina na nakaita sa Manila. Sila diumano ay sangkot sa paggawa at pagbenta ng mga iligal na produkto, na umaabot pa ang bentahan online.
Ang operasyon ay nagbunga pagkatapos makatanggap ng impormasyon ang mga pulis ng pagbebenta ng naturang pekeng produkto. Isang test-buy transaction ang isinagawa gamit ang online marketplace ang naging mitsa upang isigawa ang entrapment operation.
Narekober ng mga pulis ang 5,000 piraso ng Geisha soap na may halagang P600,000, kasama ang produktong ginamit sa test-buy transaction at sample item.
Ang mga naturang piraso ng ebidensiya ay kinumpiska upang maimbestigahan habang ang dalawang suspek ay nasa kustodiya ng mga pulis para masampahan ng kaukulang kaso.
Stay informed
Get Daily Tribune in your inbox
Breaking news, opinion, and business coverage for readers in the Philippines and abroad.
Or open the newsletter page. Prefer chat? Join the Viber community.
