Para maging mabilis sa pagresponde sa anumang krimen sa Central Luzon, 48 na brand-new Unified 911 Emergency Response Motorcycles ang natanggap ng Police Regional Office3 (PRO3) kamakailan.
Isang turn-over at blessing ang ginanap sa PRO3 headquarters dinaluhan nina Sec. Interior and Government Victor Remulla Jr., at Chief PNP Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.
At siyempre nandoon din si Brig. Gen. Jess Mendez, PRO3 director na kung saan sya ang tatanggap sa mga motorsiklo.
Ayon kay BG. Mendez ang bagong mga motorsiklo ay bilang pagsuporta sa Unified 911 Emergency Response System ng pamalaan sa pagtugon sa sunog, medical, rescue at iba pang insidente.
Sa pamamagitan ng mga motorsiklo kaagad o madaling makaka pagresponde ang PNP lalu na sa mga lugar o daan na masikip.
Ayon kay BG.Mendez sa pamamagitan ng Unified 911 madaling makakaresponde ang PNP sa anumang insidente o sakuna sa Gitnang Luzon.
LTO3 maglagay kayo ng Priority Lane
Inireklamo ng mga Senior Citizen ang tanggapan ng Land Transportation Office3 (LTO3) sa Barangay Alasas, San Isidro, City of San Fernando.
Ayon sa mga senior citizen nakausap ng Dateline, dumating o nagparehistro ng kanilang mga sasakyan ng dakong 2:00 pm.
Sa emission test halos umabot lamang sila ng 30 minuto subalit ng magbayad na sila ay halos 5:30 pm na sila natapos.
Nagtanong sila sa gwardya ng LTO3 kung bakit walang priority lane ang mga Senior Citizen, wala sinagot ang secuiry guard, ayon sa kanila.
Subalit may nakita sila na isang naglalakad na mukhang FIXER madali nitong natapos ang pag rehistro ng ilan sasakyan.
Nilampasan ng nasabing FIXER ang mga nakapilang nagpaparehistro at parang siyang siga, ayon sa mga Senior Citizen na naghihintay upang magbayad sa window 8.
Hanggang ngayon ba may FIXER pa sa LTO? Nagtatanong lang po..
At bakit wala kayong PRIORITY LANE para sa mga SENIOR. Nagtataong lang po.