Nasa kustodiya na ng Women and Children Protection Desk ng pulisya ang 13-anyos na estudyante matapos niyang saksakin umano ang 11-anyos na kapwa estudyante sa isang eskuwelahan sa Davao City.
Batay sa impormasyon ng GMA Regional TV, na iniulat sa GMA News Unang Balita nitong Biyernes, sinabing ligtas na ang estudyanteng biktima.
Balik-klase na rin nitong Huwebes ang mga mag-aaral sa paaralan.
Hinikayat naman ng DepEd Davao Region na muling pag-aralan ang seguridad sa mga eskuwelahan sa rehiyon para hindi na maulit pa ang insidente.
Isinailalim din sa counseling ang mga nakasaksi sa pananaksak, habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo sa krimen.—Jamil Santos/FRJ GMA News