Patay sa pamamaril ng riding-in-tandem suspects sa tapat ng isang kainan ang isang 28-anyos na security guard sa Valenecia, Negros Oriental.
Sa ulat ng GMA Regional TV Balitang Bisdak nitong Biyernes, sinabing nangyari ang krimen sa Barangay Palinpinon nitong Huwebes ng umaga.
Sa paunang impormasyon mula sa pulisya, napag-alaman na nakasakay sa kaniyang motorsiklo ang biktima at papunta na sa trabaho nang pagbabaril siya ng mga nakatakas na salarin.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at motibo sa krimen. – FRJ GMA News