Jonas Reyes··1 MIN READ
Isang dating aktibong miyembro ng isang communist terrorist group (CTG) na gumagalaw sa probinsiya ng Bataan at Zambales ang kusang sumuko sa kapulisan sa bayan ng Samal, Bataan nitong 19 Oktubre 2026.
Ayon sa Bataan Police Provincial Office (PPO), ang dating terorista na si “Ka Darwin” ay aktibong miyembro ng Komiteng Tagapagpaganap-Sangay ng Partido sa Platun (KT-SPP) sa ilalim ng Lino Blas Command na umiikot ikot sa dalawang naturang probinsiya.
Dagdag ng Bataan PPO, si Ka Darwin ay nagpakita ng pagtalikod sa armadong tunggalian at ganap na pag-atras ng suporta sa CPP-NPA-NDF sa pamamagitan ng pagsuko ng isang M79 40mm High-Explosive (HE) Grenade na may kasamang detonating cord.
Ang naturang pagsuko ng nasabing terorista ay dahil sa maigting na operasyong intelihensiya at pagtutulungan ng mga otoridad na pinamunan ng 1st Provincial Mobile Force Company (1st PMFC) ni Police Lt. Col. Alvin Christopher Baybayan.
Stay informed
Get Daily Tribune in your inbox
Breaking news, opinion, and business coverage for readers in the Philippines and abroad.
Or open the newsletter page. Prefer chat? Join the Viber community.
