Tatlong lalaki, kabilang ang isang menor de edad, ang nasawi matapos umanong barilin ng isang miyembro ng Task Force Disiplina ng Quezon City.
Sa impormasyon mula kay GMA News reporter James Agustin, sinabing nangyari ang krimen dakong 2:00 am nitong Lunes sa Barangay Batasan Hills.
Bago ang pamamaril, nauna umanong sinita ng 38-anyos na suspek ang mga biktima dahil nasa labas ng bahay kahit madaling araw na.
Sa ikinasang hot pursuit operation ng mga pulis, nadakip ang suspek at nakuhanan ng baril na pinaniniwalang ginamit sa krimen.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at sasampahan ng reklamong three counts ng murder ang suspek.
Babala: Sensitibong Balita 3 katao, patay kabilang ang isang menor de edad sa “fatal shooting incident” sa Brgy. Batasan Hills, Quezon City. | via @xtian_mano https://t.co/GQXidTzvGx
— DZBB Super Radyo (@dzbb) October 12, 2026
—FRJ GMA News