Maganda ang Pasko ng isang mananaya matapos na tamaan ang P115 milyong jackpot prize sa Megalotto 6/45 draw nitong Biyernes, Oktubre 16, 2026.
Batay sa resulta ng draw ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), ang lumabas na winning Megalotto numbers ay 08-22-19-10-35-27, na may kabuuang premyo na P115,989,634.14.
Ayon sa PCSO, tinayaan ang winning ticket sa isang outlet sa Camarines Sur.
Samantala, wala namang nanalo sa kasabay nitong draw na Ultra Lotto 6/58, na ang lumabas na mga numero ay 21-12-30-04-36-41, at umaabot na ang premyo sa P401,335,541.99.
Nitong lang nakaraang Martes, isang mananaya rin ang maganda ang Pasko matapos na manalo ng P94.813 milyon jackpot prize sa Lotto 6/42 draw.
Ang lumabas na winning combination sa nasabing draw ay 42-05-15-26-19-40, na may kabuuang premyo na P94,813,839.57.—FRJ GMA News