Mahigpit ang kampanya ng Police Regional Office3 (PRO3) laban sa mga pasong rehistro ng mga baril sa Gitnang Luzon..
Sa loob lamang ng 13 araw umabot sa 1,332 iba't ibang ng klase ng mga baril na paso rehistrado ang nakulimbat ng PRO3.
Ayon kay Brig. Gen. Jess Mendez, PRO3 director, sa 1,332 mga baril nakumpiska sa rehiyon, 40 ntio ang boluntaryo isinuko.
Ang mga ito ay pansamantalang naka diposito sa PRO3 Firearms and Explosives division, ayon pa kay Mendez.
Ang mga nakuhang mga baril ay bahagi ng kampanya ng Philippine National Police (PNP) sa Accounting and Disposition of Fireams with Expired Registration (ADFER).
Kaya naman pina-payuhan ni BG. Mendez sa mga firearms holders na iparehistro ang kanilang mga baril palagi at huwag hintayin mapaso ang mga ito.
Ang nasabing bilang ng mga baril nakuha simula ng Oktobre 1 hanggang Oktobre 13.
Ayon kay BG. Mendez patuloy ang PRO3 ang kampanya nito laban sa pasong rehistradong mga baril sa rehiyon.
Dating Pampanga kongresista kinasuhan
Noong Biernes, isang kasong graft ang isinampang kaso ng Office of the Ombudsman laban kay Ex-Rep. 3rd district Dong Gonzales.
Ang kaso ay kaugnay ng mga flood control project na nagkakahalaga ng P611 milyon.
Ang nasabing kaso ay kaugnay sa umano’y iregularidad sa pagpapatupad ng mga proyektong naglalayong maiwasan ang pagbaha.
Ang kaso laban kay Mr. Gonzales ay kaugnay sa mga reklamo isinampa noon July at August sa mga kontrata na ini award ng Department Of Public Works and Highways (DPWH) region 3 sa A.D. Gonzales Jr. Construction and Trading Inc.
Ang nasabing proyekto kabilang ang San Fernando at Bacolor halagang P252 milyon; flood control structures, dikes at slope protection sa Mexico nagkakahalagang P94 milyon at isa pang flood management project sa bayan ng Mexico na nagkakahalagang P265 milyon.
Ang tanong po ng atin mga kababayan mayron daw bang mangyayari sa kaso ni Ex-Rep. Gonzales?