Nasawi ang isang 62-anyos na ama matapos siyang saksakin sa loob ng salaring nakursunadahan o napagtripan lang siya sa Urdaneta, Pangasinan. Ang biktima, manunundo lang sana sa kaniyang anak.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Miyerkoles, sinabing nangyari ang krimen nitong Martes ng madaling araw sa Barangay San Vicente.
Ayon sa pulisya, nagtungo lang ang biktima sa nasabing barangay para sana sunduin ang kaniyang anak.
“Nakursunadahan po doon sa lugar na ‘yon kung saan ito po ay nagsaksak,” ayon kay Police Major Jesus Tambalo, deputy chief, Urdaneta Police Station.
Isang saksak sa leeg ang tinamo ng biktima at hindi na siya umabot nang buhay nang isugod sa ospital
Patuloy na tinutugis ang salarin, habang wala pang pahayag ang mga kaanak ng biktima. – FRJ GMA News