Oktubre 23, 2026 5:02pm GMT+08:00
SINULAT NI: JON VIKTOR D. CABUENAS, GMA News
Nagtala ng panibagong record low ang halaga ng piso laban sa dolyar ng Amerika sa pagsasara ng kalakalan sa merkado nitong Biyerner para sa linggong ito.

Nalagasan ng 9.5 sentimos ang halaga ng piso at nagsara sa P63.615 kontra US$1 nitong Biyernes. Mas mababa ito kumpara sa P63.52 kada US$1 na naitala nitong Huwebes, na siyang dating record low. —FRJ GMA News