Isang mananaya ang nanalo ng P94.813 milyon jackpot prize sa Lotto 6/42 draw nitong Martes, October 13, 2026.
Sa website ng Philippine Charity Sweepstakes Office, nakasaad na ang lumabas na winning combination ay 42-05-15-26-19-40, na may kabuuang premyo na P94,813,839.57.
Ayon sa PCSO, tinayaan ang winning ticket sa isang outlet sa Bulacan.
Samantala, wala naman tumama sa kasabay nitong Ultra Lotto 6/58 draw na mas malaki ang premyo na nagkakahalaga ng P392,060,109.64.
Walang nakahula sa lumabas na kombinasyon ng mga numero na 35-49-26-12-10-57.
Wala ring tumama sa isa pang draw na Superlotto 6/49, na ang lumabas na kombinasyon ay 04-46-36-40-22-20, at may premyong P46,413,143.33. – FRJ GMA News