Ibinida ng isang professional Pinay chef ang ilang lutuing Pilipino sa isinagawa nitong cooking class sa Valencia, Spain.
Sa ulat ng GMA Regional TV One North Central Luzon nitong Martes,
Sinabing nakabase sa Munich, Germany ang Pinay chef na nanguna sa idinaos na cooking demonstration.
Kabilang umano sa mga itinuro sa mga dumalo sa klase ang paghahanda at pagluluto ng adobo, siomai at turon. Ginawa namang refreshment ang trending na ube latte.
Bukod sa pagluluto at pagtikim, nagsilbing “side dish” sa bawat putahe ang kuwento sa likod ng naturang mga lutuin.
Naging estudyante sa food at history lesson ang mga Espanyol, Amerikano, Briton at Brazilian. – FRJ GMA News